Umabot na sa 1,273 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng delta variant sa bansa matapos itong madagdagan ng 466.
Ayon sa Department Of Health, sa 466 bagong delta cases na natukoy, 442 ang local cases, 14 ang Returning Overseas Filipinos o ROF at bineberipika pa ang 10 kaso.
Ang 457 sa naitalang mga kaso ay gumaling na, walo ang namatay, at isa ang aktibong kaso.
Hindi man pormal na idineklara, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na itinuturing ng DOH na may community transmission na ng delta variant sa bansa, partikular sa NCR at region 4-A.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico