Sumampa na sa 15 ang kumpirmadong namatay dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula nang magbukas ang election period noong April 14 hanggang noong linggo, May 20 o bisperas ng pagtatapos ng panahon ng halalan.
Walo sa mga namatay ay sibilyan, tatlo ay elected government official, dalawang kandidato at dalawang dating pulitiko.
Kabilang na rito si dating La Union Congressman Eufranio Eriguel na pinagbabaril habang nagtatalumpati sa isang meeting de avance.
Sa 55 suspek sa mga nasabing pamamaslang, tatlo pa lamang ang naaresto.
Sa ngayon ay mayroon ng 11 validated election related incident na naitala ang PNP at karamihan ay pamamaril.