Pumalo na sa halos 13-milyong mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 ang nagpa-enroll para sa academic year 2020 – 2021.
Iyan ang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) mula nang magsimula ang enrollment period nuong Hunyo 1 ng taong kasalukuyan.
Hanggang ala 5:30 p.m. nitong Biyernes, June 19, nasa mahigit 12,768,466 ang naitala nilang kabuuang bilang ng enrollees.
Mahigit 12,319,956 sa mga ito ang nagpa-enroll sa mga pampublikong paaralan habang nasa 439,520 naman ang sa mga pribadong paaralan sa buong bansa.
Kabilang sa mga nagpa-enroll ang mga mag-aaral na sasailalim sa Alternative Learning System (ALS) at non-graded learners with disabilities o iyong mga may kapansanan.