Tumaas ang bilang ng mga enrolees sa lahat ng antas ngayong School Year 2019-2002.
Ipinabatid ito ng Department of Education kung saan pumapalo sa halos 27 million ang bilang ng enrollees ngayong taon o halos 3 porsyentong mas mataas kaysa nuong isang taon.
Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali ..may mga early enrollment campaign sila para hikayatin ang mga magulang na maagang ipa enrol ang kanilang mga anak.
Tuluy tuloy din aniya ang programa ng DEPED sa panghihimok sa mga bata na magbalik eskuwela.
Tiwala naman ang DEPED na sa mga susunod na taon ay bababa pa ang bilang ng mga out of school youth sa bansa.