Nalampasan ng bilang ng enrollees sa kasalukuyang school year ang record noong nakalipas na academic year.
Ayon sa Department of Education, nasa mahigit 26-M o 100.3% ng mga nag enroll na estudyante para sa kabubukas na school year o mas mataas ng mahigit 100,000 enrolees.
Gayunman, ang enrollees ngayng school year ay mas mababa pa rin bago ang COVID-19 pandemic kung saan nasa halos 27-M ang nagpa enroll para sa school year 2019-2020.
Sinabi ng DepEd na ang CALABARZON ang nakapagtala ng pinakamataas na enrollees sa mahigit 3-M, sumunod ang Central Luzon na nasa mahigit 2.5-M at NCR – mahigit 2.4-M.