Muli pa ring nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang firecracker–related injuries ilang araw matapos ang pagsalubong sa bagong taon.
Sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 288 ang kabuuang bilang ng nasugatan dahil sa paputok.
Mas mababa pa rin ito ng 8% kumpara sa 313 na kasong naitala sa kaparehong panahon nuong 2018.
Kalahati ng naitalang naputukan ngayong taon ay mula sa Metro Manila, western Visayas, Ilocos region, at CALABARZON.
60% ng mga nasugatan ay dahil sa mga ligal na pampailaw tulad ng kwitis, luces, at fountain.
Matatandaang muling binuhay ng DOH ang kanilang panawagan na magkaroon ng total ban sa paputok sa bansa.