Pumalo na sa 534 ang kabuuang bilang ng firecracker-related injuries na naitala ng Department of Health.
Batay sa datos ng kagawaran, ang nasabing bilang ay mas mababa ng 9.8% kumpara sa 592 cases na naitala noong nakalipas na taon.
Pawang edad 19-anyos pababa ang nasa 322 biktima habang mahigit 200 naman ang edad 20 pataas, na karamihan ay lalaki.
Ayon pa sa DOH, ang kwitis na ang nangungunang dahilan ng firecracker injuries, na sinundan ng boga, mga hindi kilalang paputok, 5-star at whistle bomb.