Umakyat na sa 32 ang kaso ng firecracker-related injuries simula Disyembre 22 o ilang araw bago ang bagong taon.
Kumpara ito sa mahigit 70 na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), dalawa sa mga biktima ay aksidenteng nakalunok ng paputok.
Pangunahing sanhi ng injuries ang boga na sinundan ng kwitis at piccolo.
Pinakamarami ang naitala sa Western Visayas na walo, dalawa mula sa Cagayan Valley at tig isa sa Central Luzon at Metro Manila.
Pawang mga paso ang tinamo ng mga biktima at hindi naman kailangang putulan ng bahagi ng katawan.