Nadagdagan pa ng apat na kaso ang bilang ng fire fireworks-related injury matapos ang pagsalubong ng bagong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), umakyat na sa 30 ang bilang ng mga nabiktimang tinamaan ng paputok kung saan, ang mga biktima ay natamaan sa bahagi ng katawan kabilang na ang kamay, ulo, mata, leeg at dibdib habang wala namang naitalang kaso ng fireworks ingestion at kaso ng stray bullet injury.
Sa kabila nito, hinikayat ng DOH ang publiko na sumali na lamang sa community fireworks displays at huwag kalimutan ang safety guidelines. —sa panulat ni Angelica Doctolero