Mas lalo pang nadagdagan ang mga naitalang kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago ang bagong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), 22 na ang naitalang kaso na mas mababa ng 35% sa kaparehong panahon nuong nakaraang taon.
14 sa mga ito ang nagkaroon ng blast or burn injuries, 7 ang nagkaroon ng eye injury at isa naman ang kinakailangang putulan ng bahagi ng katawan.
Karamihan sa mga nabiktima ay mula sa National Capital Region (NCR), CALABARZON at Region 1.