Umabot na sa 25 ang bilang ng naitalang fireworks-related injury sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH) mula kahapon, December 26, nadagdagan ng lima ang kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok mula sa 61 DOH Sentinel Hospitals.
14% mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Pinakamarami naman sa mga naiulat na kaso ay mula sa Region 6 na may lima.
Sinundan ito ng Region 5, 7, at 12 na may tig-tatlo, at Regions 1, 4A, 11, at National Capital Region na may tig-dlawa.
Samantala, karaniwang dahilan ng nasabing fireworks-related injury ang mga paputok tulad ng boga, whistle bomb, kwitis at 5 star.