Tinatayang umabot sa mahigit anim na milyon ang bilang ng foreign tourist arrival sa bansa.
Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon, umabot na sa 6.16 milyon ang mga dayuhang bumisita sa bansa sa unang siyam na buwan ng taong 2019.
Mas mataas ito ng 14.37 percent kumpara sa naitalang foreign tourist arrivals noong 2018 na umabot lamang sa 4.95 milyon.
Dahil dito, inaasahan umanong maabot ang target ng pamahalaan na 8.2 milyong foreign tourist arrivals para ngayong taon.