Pumapalo na sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga bumisitang turista sa bansa simula noong Enero.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Rolando Cañisal, umaabot sa kabuuang 542,258 ang bilang ng foreign tourist.
Mas mataas ito ng 13.17 percent kumpara sa mahigit 479,000 sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga turistang nangungunang pumasok sa bansa ay mga koreano na binubuo ng mahigit 147,000 sa kabuuang arrival sa bansa.
Sinundan ito ng mga Amerikano, Intsik, Japanese, Australian, Canadian, Taiwanese, Singaporean at Malaysian.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)