Umabot na sa 17,078,676 ang bilang ng fully-vaccinated individuals sa bansa.
Sa datos na iprinisenta ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 22.06 milyon naman ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Sa kabuuan, nasa 39.14 milyon doses na ng bakuna ang naiturok na sa bansa.
Sinabi pa ni Roque na umaabot sa 395,704 ang average daily jabs na naitatala.
Batay sa pinakahuling datos ng national vaccination operations center, ay nasa 56,794,113 doses ng COVID-19 vaccine ang nai-deliver na sa bansa.
Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 70 milyong Pilipino bago matapos ang taon upang makamit ang herd immunity at ligtas na mabuksan muli ang ekonomiya.—sa panulat ni Hya Ludivico