Halos anim na milyong taga-NCR ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa pagdinig sa Senado kaugnay sa vaccine passport.
Ayon kay Abalos, sa huling tala hanggang noong Setyembre 12, nasa 5.930 milyon na ang fully vaccinated sa Metro Manila o 60.50% ng kabuuang 9.8 milyon na target population.
Nasa 8.4 million o 85.73% na anya ang naka-first dose.
Aabot naman sa 88.5% ang projection ng fully vaccinated individual pagdating ng Disyembre 12. —sa panulat ni Drew Nacino