Lilimitahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang bilang ng items o goods na bibilhin ng mga residente sa dalawang linggong pag-iral ng ECQ sa Metro Manila.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layon ng hakbang na ito na maiwasan ang panic buying at hoarding.
Kailangan aniyang magpatupad ng limitasyon para maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa suplay ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin at lahat ay makabili ng kanilang mga pangangailangan.
Samantala, tiniyak naman ng alkalde na hindi mamababalam ang delivery ng mga pagkain habang naka ECQ sa NCR.