Nakapagtala ng kabuuang 957,051 nakarekober sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa ang DOH matapos madagdagan ng 10,809 na mga bagong gumaling ngayong araw ng paggawa.
Batay sa tala ng health department, 72,248 ang natitirang aktibong kaso, bahagyang bumaba kumpara kahapon na nasa 73,908 habang 1,046,653 naman ang kabuuang kumpirmadong kaso.
Samantala, nakapagtala naman ng 9,226 na bagong kaso ngayong araw.
Sumatotal. nasa 17,354 na ang namatay sa naturang virus at 120 rito ay naitalang bagong nasawi ngayong Sabado.