Nadagdagan pa ng 111 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas.
Dahil dito, ayon sa department of health (DOH), sumirit na sa 409,433 ang total recoveries sa bansa.
Sumampa naman sa 448,331 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus bunsod ng 1,301 na bagong kaso.
nanguna ang davao del norte sa mga nakapagtala ng pinakamaraming bagong impeksiyon (96) na sinundan ng Quezon City (76), Laguna (59), Rizal (50), at Western Samar (50).
Samantala, 35 pang pasyente ang nasawi dahilan upang umakyat sa 8,730 ang death toll sa buong kapuluan.