Umakyat na sa 1,428,504 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health o DOH ng 7,213 na recoveries.
Batay sa pinakabagong case bulletin ng DOH, nagkaroon ng 6,040 na bagong impeksiyon dahilan upang pumalo sa 1,502,359 ang total cases sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, nasa 47,257 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, sumampa naman sa 26,598 ang death toll matapos pumanaw ang mahigit isang daan pang pasyente.