Bumaba sa 0.61 ang reproduction number sa NCR mula sa 0.74 na naitala nitong nakalipas na linggo.
Ayon sa OCTA research, maging ang 7-day average sa NCR ay bumaba sa 1,933.
Ito na ang pinaka mababang naitala simula noong July 31 hanggang August 6, bago ipatupad ang ECQ sa rehiyon.
Samantala, nananatili naman sa 12 percent ang positivity rate sa NCR.