Bumababa ang bilang ng COVID-19 health protocols violators sa nagdaang linggo ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año mula Nobyembre a-7 hanggang Nobyembre a-12, sa kabuuan, umabot lamang sa 93,182 ang lumabag sa protocols na mas mababa sa 107, 858 na nakaraang datos.
Sa tala, sinabi ni Año na 62, 777 ang lumabag sa pagsusuot ng face masks, 789 ang nagsagawa ng mass gatherings at 29, 616 ang hindi sumunod sa physical distancing.
Ani Año, magandang implikasyon pa rin ang pagbaba ng lumalabag sa health protocol kahit pa nagdagsaan ang mga tao sa paglabas ng kani-kanilang tirahan. —sa panulat ni Joana Luna