Tumataas pa ang bilang ng mga health workers sa bansa ang nagpahayag ng kagustuhang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, unti-unting nang nakukuha ng pamahalaan ang kumpyansa ng mga health workers na magpabakuna kontra COVID-19 kasabay ng vaccination roll-out ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Nograles, ito’y sang-ayon sa mga reports na kanilang nakakalap mula sa mga ospital sa bansa.
Mababatid ani Nograles, na naiintindihan ng pamahalaan ang naunang agam-agam ng mga health workers na magpabakuna dahil sa safety at efficacy rate ng mga ito.
Pero giit ni Norales, nagbago ang mga isip ng mga health workers sa bansa matapos na maraming mga ospital sa bansa ang nag-request sa ng bakuna para sa kanilang mga tauhan.