Nasa 50 healthcare workers ang dinapuan ng COVID-19 sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila.
Dahil dito, hindi na muna tatanggap ang nasabing ospital ng mga pasyente sa kanilang emergency rooms.
Sinabi ni Dr. Teodoro Martin, Director ng ospital, nakatanggap na ng booster shots ang mga naka quarantine na mga health workers.
Karamihan aniya sa mga ito ay nakitaan ng mild symptoms ng COVID-19.
Dagdag ni Martin, ang mga health workers ay nagpositobo sa COVID-19 matapos dumalo sa family gatherings nuong holiday season, habang ang iba naman ay nahawa nang magpunta sa mga malls.
Sa ngayon, nasa 30 COVID-19 patients ang naka-admit sa GABMMC, na mayroong 75 na kamang nakalaan para lamang sa mga mayroong COVID-19.