Bumaba ang bilang ng insidente ng pambu-bully sa mga paaralan.
Ayon sa Department of Eduaction, aabot na lamang sa mahigit 19 na insidente ng bullying ang naitala sa school year 2016-2017 na mas mababa ng sampung libo o mahigit 29,000 insidente sa sinundang school year.
Sa kabila ng malaking pagbaba ng mga kaso ng pambu-bully sa mga eskwelahan, patuloy pa rin ang kampanya ng DepEd laban sa bullying at child abuses.
Maliban dito, ipinabatid ng Deped na tuloy tuloy rin ang training ng child protection specialist na itinalaga para magbigay ngpaggabay sa mga eskwelahan ukol sa mga kaso ng pag-abuso sa mga bata.