Ikinatuwa ng Bureau of Fire Protection ang pagbaba ng bilang ng mga insidente ng sunog sa bansa ngayong taon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Gab Solano, Ang Senior Inspector ng BFP Fire Safety Information Division sa programang Ronda Pilipinas, na nasa 50 ang bilang ng naitalang sunog mula December 21 hanggang ngayong araw (December 27).
Nilinaw ng opisyal na karamihan sa naitalang sunog ay dahil sa mga naiwanang niluluto; depektibong appliances at mga Christmas lighting bunsod ng kaliwa’t kanang holiday activity at wala itong kaugnayan sa paputok.
Nilinaw naman ni Capt. Solano, na hindi lang buwan ng nobyembre hanggang disyembre ang pagmo-monitor ng bfp sa firecracker related incident kundi maging ang Enero dahil ito ang buwan na may pinaka-maraming gumagamit ng paputok.