Umabot na sa mahigit 7.1 milyon ang bilang ng mga itinuturing na Internally Displaced Persons (IDP) o mga indibidwal na napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan ngunit nananatili sa mga border ng Ukraine.
Sa isinagawang pag-aaral ng International Organization for Migration (IOM) ng United Nations, tinatayang nasa 59% ang pawang mga kababaihan.
Habang 41% ng mga IDP o 2.9 milyong indibidwal ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Ukraine.
Ayon kay IOM Director General Antonio Vitorino, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga lumilikas dahil sa giyera at maging ng humanitarian needs.
Pebrero 24 nang lusubin ng Russia ang Ukraine, dahilan para lisanin ito ng milyun-milyong katao kabilang ang mahigit 4.2 milyong Ukrainians.