Sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na umabot sa isandaang porsyento ang bilang ng international travelers ang dumating sa bansa bago ang pagsalubong ng bagong taon kung ikukumpara sa nakalipas na taon.
Ayon kay Morente, umabot sa 10,140 ang bilang ng mga pasaherong dumating habang tumaas naman sa 6,951 ang departing passengers mula sa 3,770 noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni Morente na nagkaroon ng significant improvements kung saan, hindi umano maaawat ang international at domestic travelers noong 2021.
Samantala, sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na ang rapid increased ay resulta sa smooth sailing operations sa mga nagdaang holiday season.
Sa kabila nito, nakahanda naman ang Bureau of Immigration sa posibleng muling pagdagsa ng mga pasahero ngayong taong 2022.—sa panulat ni Angelica Doctolero