Inaasahan ng Population Commission na posibleng tumaas ang maitatalang bilang ng mga isisilang na sanggol bunsod ng muling pagdami ng mga ikinakasal sa bansa.
Ayon kay Population and Development Undersecretary Juan Antonio Perez III na bumagsak ito sa 50% noong kasagsagan ng pandemya.
Pero sa kabila ng inaasahang pagtaas sa bilang ng mga ipinapanganak ngayong taon ay siyang pagtaas din ng bilang ng mga ikinakasal.
Sinabi pa ni Perez na hindi nila nakikitang kasing taas noong pre-pandemic dahil marami na ang nagpa-family planning dahil sa economic crisis sa bansa.