Umabot sa higit 2000 sanggol ang isinilang ngayong taon ng mga kababaihan na nasa edad 10-14 anyos sa Pilipinas. Samantalang, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nabuntis na may edad na 19 taong gulang .
Ayon kay Philippine Commission on Population and Development (POPCOM), Officer-In-Charge Executive Director, Lolito Tacardon, na isa sa nagiging dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis ay dahil sa sexual abuse.
Tinitignan pa anya ng POPCOM ang mas mabagal na pagtaas ng populasyon sa susunod na taon bunsod ng pagbaba ng fertility level ng mga kakabaihan dahil sa pandemya.
Gayunpaman, kinakailangan nang paigtingin ang ‘good planning program’ para bumaba ang birth rates sa bansa. - sa panunulat ni Jenn Patrolla.