Umakyat pa sa mahigit 172,000 ang bilang ng mga kabahayang nawasak bunsod ng pananalasa ng bagyong Tisoy.
Ayon sa NDRRMC, karamihan sa mga ito ay mula sa Regions 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6 at Caraga.
Kabilang din sa nawasak ay ang 7 Health Facilities sa Regions 5 at 8 habang mahigit 200 mga eskuwelahan naman ang bahagyang napinsal rin.
Aabot na rin sa 98 mga kalsada at 2 tulay ang nawasak matapos manalasa ng bagyong Tisoy.