Apat na kandidato pa lang ang nakapagpapasa ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ayon kay John Rex Laudiangco, acting Spokesperson ng Commission on Elections, ang mga nakapagpasa pa lamang ng SOCE ay sina dating PNP chief Guillermo Eleazar at mga Party-list groups na ABONO, Senior Citizen at Bisaya Gyud.
Hanggang Hunyo a-8 maaaring makapagsumiteng SOCE o 30 araw makalipas ang halalan noong Mayo a-9.
Lahat ng kandidato, talo o panalo ay obligadong maghain ng SOCE sa COMELEC.
Sinumang mabigo ay pagmumultahin ng P1-K hanggang P30-K at maaari pang pigilin sa pag-upo sa anumang pwesto.