Sumipa na sa 10,493 ang kabuuang bilang ng lahat ng gumaling na pulis mula sa COVID-19 matapos makapagtala ng 56 na recoveries nitong Huwebes, batay sa pinakabagong tala ng Philippine National Police.
Habang 37 naman ang nadagdag sa mga nagpositibo, dahilan upang pumalo sa 10,940 ang bilang ng kumpirmadong kaso sa hanay ng pulisya.
Samantala, 416 sa mga ito ay patuloy pang nagpapagaling at nanatili naman sa 31 ang bilang ng lahat ng nasawi dulot ng COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco
UPDATE: As of 6:00PM of February 18, 2021, the PNP Health Service recorded 56 new recoveries today bringing the total…
Posted by Philippine National Police on Thursday, 18 February 2021