Bumaba na ang bilang ng kaso ng mga pasyente na may COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa Philippine General Hospital (PGH).
Ito’y ayon kay Spokesman Dr. Jonas Del Rosario, na kinumpirma ang nasabing pagbaba ng kaso ng COVID-19 pasyente mula 355 na umuukopa sa 325 na hospital’s bed ay bumaba na sa 237.
Bagaman nabawasan na ang bilang ng naturang kaso ng COVID-19 pasyente sa ospital, nananatili pa rin na puno ang ICU. —sa panulat ni Airiam Sancho