Bumaba ng halos 6% ang kaso ng carnapping sa bansa sa buwan ng Mayo.
Ito ayon sa PNP ay matapos maitala ang 19 na kaso ng carnapping hanggang noong nakalipas na buwan na mas mababa kumpara sa 44 na kaso ng carnapping sa kaparehong buwan noong isang taon.
Wala namang naitalang kaso sa bahagi ng Police Regional Office 1, 2, 4-A, 5, 6, 8, 9, 11, 13 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ipinagmalaki ng PNP – HPG Highway Patrol Group ang crackdown nila sa carnapping syndicates kayat bumaba ang kaso ng carnapping.