Patuloy na tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay ayon sa Health Department sa kabila ng ipinatutupad na mahigpit na lockdown sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo.
Ipinabatid ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahan ng kanilang ahensya na hindi pa huhupa ang mga kaso sa mga susunod na araw.
Aniya, kaunti lamang ang naging epekto ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) upang mapigilan ang pagkalat ng virus kumpara sa mga unang ipinatupad na mahigpit na quarantine.