Halos dalawang daang libo na (199,726) ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Germany.
Ayon sa Robert Koch Institute, ito’y makaraang maitala ang tatlong daan at limampu’t isa (351) na bagong impeksiyon doon.
Samantala, tatlo pang pasyente ang pumanaw dahilan upang pumalo na sa halos sampung libo ang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa.