Biglang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Iligan City, Lanao Del Norte.
Ito’y ayon kay OCTA Research Fellow Doctor Guido David kung saan nakapagtala ang nasabing lugar ng 22 bagong kaso ng nasabing virus.
Aniya, tumaas sa 2.38 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 mula sa dating 0.40.
Iginiit naman ni David na dapat bantayan ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon sa nasabing lungsod dahil ito’y nakakabahala lalo’t nakapasaok na ang Omicron variant sa bansa.
Samantala, iminungkahi niya na higpitan muli ang mga protocol para sa domestic travel tulad ng pagre-require muli ng RT-PCR testing. —sa panulat ni Airiam Sancho