Halos pumalo na sa 200% ang pagtaas ng kaso ng COVID -19 sa Metro Manila.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing ang paglobo ng kaso at naitatalang average daily attack rate ay factors sa pagpapasya ng gobyerno sa quarantine classifications.
Sinabi ni Roque na kinukumpara nila ang figures o numero ng COVID -19 cases kada 2 linggo samantalang ang daily attack rate o ilan ang nagkakaroon sa kada 100k sa Metro Manila ay doble o mataas pa rin o nasa “high”.
Una nang pinanatili ng Pangulong Rodrigo Duterte sa General Community Quarantine(GCQ) ang Metro Manila sa buong buwan ng Oktubre.