Aabot na sa mahigit 100-M ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling datos, nasa kabuuang 191,230,672 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Sa naturang bilang, Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso ng nakamamatay na virus na aabot sa kabuuang 34,963,907.
Sinundan naman ng India na may 31,144,229 na nagpositibo sa pandemya.
Nasa 19,376,574 naman ang kaso sa Brazil habang 5,958,133 ang napa-ulat na kaso sa Russia.
4,105,847 naman ang bilang ng mga namatay sa virus, habang 174,183,18 naman ang naka-rekober o gumaling na sa COVID-19 sa buong mundo.