Lumabas sa daily COVID-19 case report ng health department na maliit lamang ang porsyento ng pagtaas ng kaso ng COVI-19 sa National Capital Region (NCR).
Sa inilbas na Pebrero 20 report ng OCTA Research Team, makikitang nag-flat o bumaba ang kaso ng virus sa ncr at maging sa buong bansa, pero kapansin-pansin umano na may bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa Metro Manila noong nakalipas na linggona umabot lamang sa 1.13%.
Ngunit ayon sa OCTA-Team, na kahit iilan lamang ang naitatalang kaso ng impeksyon, indikasyon pa rin ito na nagpapatuloy ang kaso ng virus transmission.
Pahayag pa ng research team na ito, na base sa datus, umaabot sa 430 new COVID-19 cases ang naitatala kada araw sa nakalipas na isang linggo.
Pumapalo umano ito sa 16 percent increase mula sa dating average na 370 cases kada araw.
Kahit ang iba pang mga local government units ay nakapagtala din umano ng pagsirit ng kaso ng COVID-19.