Halos nadoble na ang bilang ng kaso ng dengue mula lamang Enero hangang Hulyo kung ikukumpara sa datos noong 2018.
Ayon sa Department of Health, nakapagtala na sila ng mahigit sa 130,000 kaso ng dengue mula sa ibat ibang panig ng bansa at patuloy pa itong nadaragdagan.
Dahil dito, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na pinagana na nila ang mga regional health clusters ng National Disaster Risk Reduction Management Council at nakipag ugnayan na sila sa mga sangay ng Dept of Health at mga local government units.
Kinumpirma ni Domingo na umabot na sa epidemic level ang kaso ng dengue sa Regions 4, 4-1 at Mimaropa.
Gayunman, mas mababa naman anya ang mga kaso sa Regions 1, 2, 3 at ncr kumpara nuong nakaraang taon.