Halos 150% ang itinaas ng kaso ng dengue sa taong ito kumpara sa parehong panahon nuong 2021.
Ayon sa Department of Health (DOH) nasa kabuang 118,785 ang kaso ng dengue na naitala mula January 1 hanggang August 13.
Batay sa national dengue data ng DOH 18% o pinakamataas na naitala ay mula sa Central Luzon na nasa 21,247.
Sinundan ito ng Central Visayas na nakapagtala ng mahigit 11,000 dengue cases o 10% at National Capital Region (NCR) na nasa 11, 064 o 9%.
Nasa halos 20,000 kaso ng dengue o 19,816 ang nai-record ng DOH mula lamang July 17 hanggang August 13 kung saan pinakamarami ring naitalang kaso ay mula sa gitnang Luzon.