Umabot na sa mahigit 4,600 na ang naitalang kaso ng Dengue sa Central Visayas.
Ayon sa Department of Health (DOH), naitala ito mula Enero a-1 hanggang Mayo 28 ngayong taon.
Mataas ng 421% sa naitalang Dengue cases sa kaparehong panahon noong isang taon.
Kabilang sa nasabing datos ang 38 nasawi na karamiha’y nagmula sa mga lungsod ng Cebu, Mandaue, Lapu-Lapu, Talisay at Bayan ng Minglanilla.
Maliban sa Central Visayas, nakita rin ng DOH na lumagpas na sa dengue average cases ang naitalang kaso ng sakit sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.
Sa ngayon, nagpalabas na ng pondo ang DOH sa kanilang Regional offices upang makontrol ang dengue cases.