Nasa kabuuang 41 na ang naitala na kaso ng fireworks related injury matapos madagdagan ng lima kahapon, Disyembre 29.
Mas mataas ito ng 52% kumpara sa bilang na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Muli namang nagpaalala ang Department of Health (DOH) maging ang Philippine National Police (PNP) na iwasan ang pagpapaputok sa halip ay gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay.
Ito’y para mas matiwasay at maging maayos ang pagsalubong sa bagong taon.