Bumaba ang bilang ng kaso ng leptospirosis ngayong taon ayon sa DOH o Department of Health.
Base sa datos na inilabas ng kagawaran, umabot lamang sa higit 1,000 kaso ang naitala mula Enero hanggang ika 17TH ng Agosto ngayong taon.
Mas mababa ito kumpara sa kaso noong nakaraang taon na umabot sa mahigit 2,000.
Ngunit paglilinaw ni Health Secretary Francisco Duque, hindi dapat maging kampante sa naganap na pagbaba ng bilang ng kaso dahil mapanganib pa rin ang leptospirosis.
Ang leptospirosis ay nakukuha sa isang microbacteria na tinatawag na leptospira na makukuha sa tubig baha at putik na mayroong ihi ng daga.