Aminado ang Department of Health na lumobo pa ang bilang ng kaso ng tigdas sa nakalipas na linggo.
Kasunod ito ng pahayag ng DOH na kumalma ang measles cases sa loob ng magkakasunod na anim na linggo.
Ayon sa DOH Epidemiology Bureau, naitala ang 1,400 bagong kaso ng tigdas sa nakalipas na dalawang linggo kung saan karamihan ay mga batang may edad isa hanggang apat na taong gulang.
Dahil dito, umakyat pa sa mahigit 28,000 ang kaso ng tigdas habang halos 400 na ang nasawi mula January 1.
Ito ay mas mataas mula sa mahigit 6,000 kaso at mahigit 50 ang nasawi sa parehong panahon noong 2018.
Naitala pa rin ang pinakamaraming kaso ng tigdas sa Metro Manila at CALABARZON na may mahigit 5,000.