Tumaas ang bilang ng kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus na naitatala sa bansa kada araw.
Ayon sa DOH Epidemiology Bureau nasa tatlumput isang tao kada araw ang napapaulat na may HIV.
Malaki ang itinaas ng HIV cases ngayong taon kumpara nuong 2008 na isang tao lamang kada araw.
Batay pa sa record ng nasabing tanggapan Pilipinas ang may pinakamataas o nasa 140 porsyento na pagdami ng kaso ng HIV sa loob ng sampung taon sa buong Asia Pacific.
Dahil dito umapela at nanawagan na ang DOH sa mga lokal na pamahalaan para magpakalat ng impormasyon kaugnay sa nasabing sakit.