Umabot sa 11 porsyento ang ibinaba ng krimen sa bansa nitong 2017 kumpara noong 2016.
Batay sa datos ng Philippine National Police o PNP mula Enero hanggang Disyembre ng 2017, may naitalang 520,000 krimen sa bansa.
Mas mababa ito kumpara sa 584,000 krimen noong 2016.
Pinakamalaki ang ibinaba ng kaso ng pagnanakaw, tulad ng theft, robbery at carnapping.
Sinundan ito ng murder, physical injury at rape.
Kapuna-puna naman na tumaas ang kaso ng homicide mula sa 2,336 noong 2016 umakyat ito sa 2,592 nitong 2017.
TINGNAN: Bilang ng krimen sa bansa noong 2017, bumaba ng 11%; pero kaso ng homicide, tumaas @dwiz882 pic.twitter.com/ah1Bk7H7n2
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 20, 2018
—-