Bumaba ng walong (8) porsyento ang antas ng krimen sa bansa sa loob ng sampung (10) buwan.
Ito ang ipinagmalaki ng Philippine National Police matapos maitala ang apatnaraan at limampu’t dalawang libong krimen mula Enero hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan.
Ayon kay PNP Spoksperson Chief Superintendent Dionardo Carlos, mas mababa ito kumpara sa apatnaraan at siyamnapu’t tatlong libong krimen noong 2016.
Sinabi ni Carlos na lahat ng rehiyon ay nakapagtala ng pagbaba ng krimen maliban sa CALABARZON at Northern Mindanao.
Lumalabas naman sa datos ng PNP na pinakatalamak na krimen sa bansa ay ang pagnanakaw.
—-