Bumaba ang bilang ng krimen noong ikalawang quarter ng taon o simula Abril hanggang Hunyo.
Batay sa mga nakalap na police blotter sa buong bansa, umabot sa 115,854 ang bilang ng krimen simula Abril hanggang Hunyo kumpara sa 139,195 sa kaparehong panahon noong isang taon.
Sa naturang bilang noong second quarter, umabot sa 959 ang insidenteng may kaugnayan sa motorcycling-riding suspects kumpara sa 1,301 at isa sa kaparehong panahon noong 2017.
Ayon kay PNP spokesman, Senior Supt. Benigno Durana Jr, kabilang sa naitala ang pamamaslang ng motorcycling-riding gunmen kina Fr. Mark Ventura matapos itong mag-misa sa Gattaran, Cagayan noong April 29; Dating Prosecutor Geronimo Marave sa Ozamis City, Misamis Occidental noong May 22 at Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol noong May 27.
Pinakamaraming bilang ng motorcycling-riding suspects ang naitala sa Central Luzon na 166; Calabarzon, 149; Central Visayas, 121 at Metro Manila, 95.